|
Post by mickay on Feb 11, 2009 15:22:59 GMT 8
credits to: ayashaine....
The Buzz - 02/08/09
|
|
|
Post by mickay on Feb 11, 2009 15:24:01 GMT 8
credits to: ayashaine....
Rated K - 02/08/09MMK Teaser
|
|
|
Post by mickay on Feb 11, 2009 23:22:52 GMT 8
feb. 11, 2009 9:24 PM
TONI: Hello guys! Naku malapit nang matapos ang love duets album ni sam. Sana bumili kayong lahat ng copy kasi ang gaganda ng songs. Napakinggan ko na rin yung ibang na-finish nang ma-record, ang sarap sa tenga promise! Nakaka-inlove talaga.
===================================================
feb. 11, 2009 10:06 PM
TONI: Nakalimutan ko palang i-share sa inyo kanina. Nagkita kami kagabi nila mariel and bianca. Super relax and chikihan lang. Ang sarap nilang kasama talaga. Parang OMG session lang pero walang camera. Hehehe. Nag-dinner ka na ba?
|
|
|
Post by cjcute on Feb 13, 2009 8:00:07 GMT 8
tinsters!
|
|
|
Post by kring813 on Feb 13, 2009 12:46:14 GMT 8
yey mmk tomorroow!
|
|
|
Post by cjcute on Feb 13, 2009 13:07:11 GMT 8
hello ate kring
|
|
|
Post by mickay on Feb 13, 2009 14:55:55 GMT 8
THIS VALENTINE'S DAY, PLEASE WATCH TONI GONZAGA IN HER FIRST MMK!!! Toni Gonzaga, excited over her first Maalaala Mo Kaya role:www.youtube.com/watch?v=Nk0fQ7VGES0 (teaser)Cast: Toni Gonzaga, Ryan Eigenmann, Jason Abalos Paghahanda na para sa pagsabak niya sa mga heavy drama roles sa pelikula ang paglabas ni Toni Gonzaga sa kauna-unahang pagkakataon sa award-winning drama anthology show ni Charo Santos-Concio, na Maalala Mo Kaya. Mapapanood na ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Komiks Presents Flash Bomba ang episode na iyon. “Siyempre lahat naman ng mga artista pangarap nilang makagawa ng lahat ng klase ng role at pelikula. So, pangarap talaga ‘yun,” bungad ni Toni. ”Wala naman ako’ng dream na dream talaga na gustong gawin na straight drama movie. Basta mabigyan lang ng proyekto, pelikula masaya na ako. Siyempre ’yung bagay naman sa akin. Mahirap naman ’yung hindi babagay din sa akin baka magulat ang mga tao.” Masaya si Toni dahil finally makakalabas na siya sa Maalaala Mo Kaya. ”Ay, siyempre MMK ‘yun! Ang tagal ko nang naka-scheudle. Siguro kakalipat ko pa lang naka-ilang schedule na ako for MMK. Kaya lang it just happens na hindi magkatagpo. Kung sinu-sino pa ang naging partner ko noon. Pero hindi natutuloy. First time ko talaga. Sa tinagal-tagal ko, three years na ako sa ABS-CBN ngayon lang ako nag-MMK.” Naunahan pa siya ng ibang artistang galing din sa GMA7 na lumipat sa ABS-CBN gaya ni Angel Locsin. ”Oo, lahat nga nagawa na nila ako na lang hindi. Kasi wala naman ako’ng masyadong pinagkakabalahan. Nag-sakto lahat. Eh, noon kasi may hosting, may TV shows. Pangatlong offer na nila ito sa akin. So, buti naman natuloy na siya.” Shinare pa ni Toni kung ano ang gagampanan niya sa drama anthology. “More or less story ng isang babae na namatay ang first love niya. And it just so happens for some weird reasons may nakilala siyang lalaki na pareho ng pangalan, pareho ng mannerism. Parang nabuhay tuloy ‘yung first love niya doon sa lalalaking ‘yun. Pareho pa ng pangalan. ‘Yung birthday nung una March 21, day din nu’ng namatay. Itong nakilala niya March 22. Halos magkaedad tapos parehong PMA. Halos pareong-pareho. Nagulat nga ako. Nangyayari pala ‘yun sa totoong buhay. Akala ko noong una ‘yung iba dagdag na lang pero hindi. Ganun talaga. May mga ganoon.” Mahirap pero ganun pa man happy si Toni sa experience niya sa MMK. “Siyempre MMK may acting moments talaga. Ang hirap-hirap, talagang drama. Natuwa ako kasi lahat sila very supportive. Matulungin sila lahat talaga. Inaalayan ka sa lahat ng eksena. Tapos mababait ang mga kasama ko. Inaalayayan ako nina Jason (Abalos) at Ryan Eigenmann. Ang saya-saya. Parang lahat ng pagod ko nawala. Parang noong natapos namin ang shooting sulit lahat ng pagod. Kasi inabot ng umaga. Dalawang araw ‘yun. Inumaga kami. Nasulit dahil ang gaganda ng eksena. Ang ganda rin ng mga kuha ni Direk (Dado Lumibao) parang pelikula. Tapos ang nag-ilaw pa sa amin si Neil Daza. Oh, sosyal! Sabi ko nga, ‘Ay, movie pala ‘to.’” Natawa si Toni nang tanungin siya ng ABS-CBN.com kung hoping ba siyang magkaroon ng award sa episode na ito. “Yes, naku yes, o! (laughs) Hindi. Sa panaginip ko yes. Pero marami pa ako’ng dapat matutunan. Dadating din tayo du’n kapag nasa tamang edad. Kailangan ko pa ng matagal na panahon para magka-award.” Dream ba niya ang manalo ng acting award? “Oo naman ‘no. Masya na nga ako sa nakuha ko’ng award noon ‘di ba? Best Host tapos nagkaroon din ako sa Guillermo ng Princess of Philppiine movies. Tapos binigayn ako ng Aliw ng Best Emccee. Marami-rami na rin. Nakaka-overwhelm ‘yung mga awards na nakuha ko. ‘Tsaka nakuha ko lahat ‘yun nu’ng llumipat ako sa ABS-CB. Kaya ang laki ng pasasalmat ko na talagang na-mold talaga ako although malaki rin ang pasasalamat ko sa Eat Bulaga dahil sila ‘yung nagbigay sa akin ng break at saka nag-train sa akin. Kaya lahat naging training process.” Kasabay ng pagpapalabas ng epsidoe ni Toni sa MMK ang selebrasyon ng Araw ng mga Puso. Paano nila ise-celebrate ang Valentine’s day this year ng boyfriend niya na si Direk Paul Soriano? “Kasi si Paul hindi siya nagpapa-reserve. Nanunurprise lang siya. Hindi niya kailangang magtanong o magpa-book ng schedule. Alam niya agad ang schedule kay Mommy Pinty. Sila ang magka-connive sa schedule. Hindi siya nagtatanong sa akin. Kaya wala ako’ng idea. Maganda nga ‘yon para ma-surprise na lang ako.” Nage- expect ba siya ng something very, very special sa Valentine’s date nila nI Direk Paul? “Of course. Naku! Of course daw o. (laughs). Second Valentine’s Day namin ito. Nu’ng unang Valentine’s Day sa Alabang, malapit sa bahay nila. Actually, family day muna siya. Nakasama namin ang mga kapatid niya nu’ng hapon. Tapos nag-dinner kami nu’ng gabi. Kaming dalawa lang sa isang fancy restaurant sa Alabang. So, ayun, kasi ‘di ba taga-East ako. Hindi naman ako nagagawi sa South. Kaya pinakain niya ako sa isang magandang restaurant sa south. Ano ba ‘ng gift niya? Ang dami kasing binibigay noon, eh. Siguro may gift siya pero nakalimutan ko. But of course, may card at saka roses. ‘Yung material nakalimutan ko na.” Samantala, nagbigay ng kanyang pahayag si Toni sa sinabi ni Kris Aquino sa kanya particular na ang tungkol sa panaginip ng Queen of Talk. “Actually, last year ko pa alam ang story na ‘yan. Ang tagal-tagal na. Alam ko ‘yun. Matagal na niyang napanginipan ‘yan. Nagulat nga ako kay Ate Kris na-share niya ‘yun sa press, e. Nagulat nga ako. Sabi ko, ‘Ate Kris, ano ba ‘yan?’ Tapos sabi niya talaga, ‘Hindi, papalitan mo talaga ako sa mga show.’ Sabi ko ko, ‘Hindi. Walang papalit sa ‘yo. Ikaw pa?’” Pero kahit paano ba may pumasok sa isip niya na posible rin talaga ang sinasabi ni Kris na papalitan niya ang TV host/actress? “Hindi, syempre ang kapal naman ng mukha ko kung magkaroon ka ng ganu’ng thinking. ‘Yung mga na-achieve ni Ate Kris pangarap mo kahit papano maka-experience ka rin ng ganu’n. Dahil ang sarap din ng feeling na mapagkatiwalaan ka ng sarili mo’ng show, game show. At saka ang tagal-tagal mo na industrya hindi ka kumukupas.” Natawa rin si Toni sa pag-iyak daw ni Kris sa panaginip na ito. “Oo nga, Ito talaga si Ate (Kris). No, siguro sa industrya na ito hindi mawawala ang takot na laging may bagong darating. Kahit naman ako dahil syempre hindi naman ako bumabata. Tumatanda na rin ako kahit paano. Hindi na pwede ‘yung OA-OA na pa-tweetums. Kasi ginagawa na ni Kim Chui ‘yun. Kahit paano dapat nag-elevate ka na sa next level. So, may fear na ano, kung ttatanggapin ka pa, kung magtatatagal ka pa. Kaya you always try to reinvent. Pero hindi ko naman sinasabi na maghuhubad ako. ‘Yun ang reinvention na hindi ko kayang kayang gawin. ‘Yung try to do some thing new and offer the people something else. So, you never stop learning.” Sinabi ni Toni na she has really learned a lot from other hosts in the industry kaya natutuwa siyang malaman na naappreciate ni Kris ang mga efforts niya. “Wow! Siyempre ‘no I learned from the best. Ang dami ko’ng pinanggalingan na show na ang gagaling ng mga host na mga TVJ (Tito, Vic and Joey). Mga beterano, o. So, natutuo ako doon. Dito sa ABS nag-host ako sa ilang mga programa kasama ko mga beterano. Sina Kuya Roderick (Paulate), si Ate Amy (Perez), sa ASAP si Kuya Gary (Valenciano), Kuya Martin (Nieverra). Nakakatulong kasi ang hindi nila alam ‘pag behind the scene pinapanood ko sila. Ay ino-observe ko sila. Kaya kapag sumasali ako sa game show like ‘(Pilipinas) Game Ka Na Ba?’ at ano, hindi ako nakakasagot. Kasi nanonood lang ako. Kaya si Ate Kris dati naalala ko, ‘Hindi ka sumasagot.’ Nawala sa isip ko. Nanood ako. Nag-observe ako. So, kasi nag-aaral ako. Pinag-aaralan ko,” tapos ni Toni.
|
|
|
Post by mickay on Feb 14, 2009 5:16:30 GMT 8
|
|
|
Post by cjcute on Feb 14, 2009 21:46:56 GMT 8
woohoo! ang ganda ng mmk ni tin! i love it. nagustuhan nyo ba guys?
|
|
|
Post by rhoanne on Feb 15, 2009 16:44:34 GMT 8
ang galing ni toni sa mmk.....lagi naman eh :-)
|
|
|
Post by mickay on Feb 17, 2009 18:18:18 GMT 8
pa-promote.....
|
|
|
Post by carmela on Feb 20, 2009 18:18:43 GMT 8
hi tinsters
|
|
|
Post by mickay on Feb 21, 2009 6:29:44 GMT 8
|
|
|
Post by mickay on Feb 23, 2009 9:48:21 GMT 8
www.sietecontrados.blogspot.com vote natin si TONI GONZAGA & BIANCA GONZALEZ....
as many as you can po....
refresh niyo lang para maka-vote ulit!!!!!
thanks.....
|
|
|
Post by cjcute on Feb 24, 2009 10:05:44 GMT 8
tinsters! i miss you!
|
|